Welcome Guest [Log In] [Register]
Welcome to PRO Loki Boards. We hope you enjoy your visit.


You're currently viewing our forum as a guest. This means you are limited to certain areas of the board and there are some features you can't use. If you join our community, you'll be able to access member-only sections, and use many member-only features such as customizing your profile, sending personal messages, and voting in polls. Registration is simple, fast, and completely free.


Join our community!


If you're already a member please log in to your account to access all of our features:

Username:   Password:
Add Reply
Ang Pagmamahal; at ang mga magaganda at masasamang epekt
Topic Started: Nov 13 2005, 03:26 PM (420 Views)
chelayganda
Member Avatar
Baby Desert Wolf
Ikaw ba naranasan mo na bang magmahal? Ung tipong halos matanggal ung bed sheet ng kama mo sa kakaikot mo dahil nde ka makatulog? Ung tipo bang lagi mong nahuhuli ung sarili mo na laging nakatulala sa isang tabi at iniisip mo kung ano na ang ginagawa nia ngaun. Un ba ung para kang batang nagpapraktis magsulat dahil sa kakadoodle mo ng pangalan nia sa notebook na tila ba un lang ung alam mong pangalan sa buong mundo? At eto pa ang malupit, pag unti-unti kang napapadalas sa mga tambayan ng iniirog mo kahit ni minsan ay nde mo ginusto ung place na un?

Ex: Ang walang katorya-toryang basketball court na sau ay napakawalang kwenta kc napakainit dahil nde man lang ginawang covered dahil ang sabi ng magaling niong home owners association kulang daw sa budget! (Duh!?! San napupunta ang mala tuition niong monthly due?)

So ayan na nga po, isang realidad na pumutok na saung harapan. Oo hija, in lababo ka nga. In love nga daw.. ay sus! Patay tau jan.

Cge unahin natin ang magagandang epekto na pagiging in-love ng isang tao:

UNA: Pag ka blockmate mo ang iyong napupusuan, grabe, ang dati po na batugan pumasok ay nagmamasipag na ngaun. Ung tipong mas nauuna ka pa sa taga bukas ng iskwelahan nio. Si Miss o si Mr. M.I.A (a.k.a. missing in action) ay more pasok na sa skul. Laging present at take note kung noon lagi ciang sikat dahil lagi ciang wala o late ngaun sikat na ciakc lagi na ciang nauuna sa room nio.

At d lang po un, dahil ka-blockmate mo nga cia, gusto mo ciang ma-impress sa katalinuhan mo (katalinuhan nga ba?!) more raise ka ng hand sa recitation pra lang tumingin cia sau. Wala kang pake kahit mapahiya ka kc mali ang sagot mo basta lang mapasulyap cia sau e ok na. bawi na lahat. Dahil nga po nagsisipag kang magpapasok, tumaas bigla ang mga grades mo (sa wakas!). At d ka na makuntento sa mga papansin na pagtataas ng kamay mo (kahit mali ang sagot mo) ngaun po nag-aral ka na bigla dahil pag tama ang sagot mo, napapangiti cia sau at naturalmente para sau mas ok un.

PANGALAWA: So sa kasamaang palad nde mo cia ka-blockmate. Pero swerte ka pa din kc ka-schoolmate mo nga cia. Blessing in disguise din pala ang pag pasok mo sa iskwelahan na more pilit sau ng tatay mo (dahil alma mater nia un) kahit ayaw mo dun… ayan na nga po. Nalaman mo na si dream boat mo ay isang psychology major. Ikaw nman dahil sa kagustuhan ng tatay mo na maging abogago este abogado ka, legal management ang kinuha mo. Nakakuha ka na nga po ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya. Kung san cia tumatambay, kumakain, san ang bahay at ano ang cel number. Dahil po sa sobrang taranta, nakalimutan mong itanong sa friend nia na mukhang nagpapacute sau kung ano ang landlyn number ni dreamboat. So dumating na ang org day, kailangan mo ng kumuha ng org. sa masususing pagsusuri sa crowd, nasilayan mo na si dreamboat, ayun cia, nasa org ng psych (malamang!) at ikaw nman wala kang pake kahit leg ma ang course mo basta more punta ka sa org nia para mag sign up. Dahil sa magaling mo strategy, lagi na kaung nagkikta, alam nio na ang names ng isa’t isa.Minsan nman ay may nalalaman pang patetxt txt sa isa’t isa (khit napaka walang kwenta nman ang tntxt). So second sem na, dahil kay dreamboat, nalaman mong nde ka pala tlga interesado sa pagiging lawyer. Ngaun gusto mo ng maging doctor at tagapag-kalinga ng mga baliw. Sus ko! Ngaun ka lang din nagkalakas ng loob pra sabihin sa tatay mo ang talagang gusto mo. Pagkatapos ng mahabang debate kay itay at walang patid na sermon mula kay inay, ayan pumayag na clang mag-shift ka.

Pasalamat ka kay dreamboat mo dahil habang maaga ay nalaman mo na kung ano tlaga ang gusto mo sa buhay at eto pa po you learned to stand up for what u really want not for what others want you to be. At d lang un, kau na ni dreamboat dahil nasikubre nio na pareho pala kau ng passion in lyp!

PANGATLO: Kasama mo si loveboat sa communidad. In syort magkafet-bahay kau. Lagi mo ciang nakikita pag naglalaro ka sa court at cia nman nagdidilig sa labas ng bahay nila. Ngaun e2 na kbigan cia ng sister mo kc pareho clang nsa isang org na tumutulong sa mga batang walang patutunguhan sa buhay o sa madaling salita, ang mga street children. Here na, meron nnman clang bagong project. At sa kadahilanan na gusto mo ciang makasama at ma get to know better e more join ka nman sa org nila ng sister mo. O dba, nakilala mo pang mabuti si loveboat at di lang un, nakatulong ka pa sa mga batang nangangailangan.

PANG-APAT: Eto ang pinakacommon sa lahat. I’m sure makakrelate d2 ang mga ina ng tahanan na kaawa-awang nabiyayaan ng mga anak na batugan. Ang mga taong walang ginawa kungdi matulog at kumain. So ayan na, nakakita na ng katapat ang taong batugan, sa madaling sabi ay na-inlove na. at stop, look and listen kau, nde na cia batugan ngaun. Bakit aber at anong nakain nia?! ano pa nga ba sister, IN-LOVE!!! Kaya sobrang inspired mag more help around the house ang reformed batugan.

PANG-LIMA: And last but definitely not the least, ang mortal enemy mo for life na naging boyfriend mo na ngaun. So ayan, mortal enemy mo nga cia at ang barkada nia. More badtrip ka sa kanya kc nga since kids kau lagi na tlga kaung mag-kaaway. U like to destroy each other’s lives kac nga para sau ang saya saya ng ginagawa mo (sus ko!). at ano pa nga po ba, dahil makumare ang mga nanay nio at magkumpare nman ang mga tatay nio, no choice kau kung di magsama pag may mga special occasions. Eto na ang siste, more vacation ang mga families nio together which means na magakasama kau for the whole month. Araw araw na nga kaung magkikita! At dahil sa ganun nga, narealize nio na, nde nman pala ganun kasama ang isa’t isa.. kumbaga, may mga bagay at ugali din nman pala kau na magkapareho. As usual, nagka inlaban na kau. Ngaun si mortal enemy na halos ipakulam mo at isumpa mo na ay “baby” na ang tawag mo ngaun. Kung noon para sau mukha ciang demonyong dinala sa lupa ngaun feeling mo para na ciang anghel na ipinadala ni Lord para sau (haaayyy, pag-ibig nga nman!!!). o dba, u fused your familes closer now that you’re together. May maganda din palang pinatuguhan ung pagiging kau officially at nde official mortal enemies.


Eto nman po ang mga negatibong epekto ng pag-ibig
(wow prang napaka pormal! Nyahahaha!):

UNA: Sobrang pagpapa-impress. Baka naman sa sobrang pag papaimpress mo sa mahal mo e mabwisit cia kc nde nia makita ung tunay na ikaw. Be
urself, she/he’ll love u even more for that (trust me!!).

PANGALAWA: Ang pagiging sobrang selosa. Sus ko! Everyone can attest to this. Hijo, hija, masasakal ang pakner mo kung sa araw araw nlng ng ginawa ng Diyos e lagi mo ciang inaaway kc may nakita kang kausap nia na mas gwapo o mas maganda sau. Kaya ka nga nia minahal dba kac ikaw ang pinakagwapo o pinakamagadang babae sa balat ng lumpia este lupa para sa knya?! So why worry, be confident that he/she’s yours. Dapat nga maging proud ka saknya e kc madaming nagkakagusto sa knya. Tell urslf nlng na, “why the hell should I worry?! He/she loves me enough. I should be damn proud to say that their dream is my reality!

PANGATLO: Ang sobrang pagiging selfless. O sa madaling sabi e, mashado mo ng winawalang-bahala ang mga needs mo dahil inuuna mo ang sa kanya.
Ung tipong isusubo mo nlng ay ibibigay mo pa sa knya. Nde nman po as in totally masama ito pero nagiging msama to pag sobra. Pano nlng kung lagi kang ganyan?! Aba praning ka ba, cge nga sabihin mo sakin kung
pano mo cia mamahalin pag nawala ka na d2 sa mundo?! Nde nman masama na isipin mo din ang sarili mo paminsan-minsan. Dba nga, “THOU SHALT NOT GIVE TOO MUCH.”

PANG-APAT: Eto na ang isa pang napakalaking epekto ng pagmamahal, ayan na nga, alam na ng buong mundo na mahal mo cia. Perfect ka nga daw kc halos lahat na nasayo. Ang pinakagusto nia nga ay ang pagiging sobrang haba ng pasensya mo at pagiging sobrang understanding mo. Naman! Utang
na loob! Baka sa sobrang pagiging pasensyoso mo e nde ka na nagagalit?! Ung tipong kahit asar na asar ka na dahil sa kakablaghang ginawa nia e nde ka pa din galit! Pag nanjan na ung komprontasyon niong dalawa ang sasabhin mo lang, “ikaw nman kc e, cge ok na un!” magalit ka nman sa kanya! Para ka ng tuod nun e! pwede ka na nga yatang pagpatayuan ng munumento sa Luneta! As usual, d nman masama ang magpakita ng emosyon paminsan. Jan mo nga malalaman kung ano ung mga d nio gustong gawin ng isa’t isa e. kaya it’s not so bad to be angry once in a while. Ur human kaya natural lang un. Being angry or crying sometimes is a sign that u are comfortable with who you are with.

At last but the least ang…
PANG-LIMA: Never ever be a nag! Ayan ngaun ang common problem ng mag-asawa ngaun. Mashadong madadal ang babae. Ung tipong halos lahat ng magawang mali ng bf, gf, o asawa e tinatalakan na agad (kaawa-awang bata!). Walang preno ang bibig! Nakakainis dba?! Nde lang nman po ang mga babae ang may gantong problema. Mapalalaki din ay ganto, d nga lang lahat na tulad ng babae na halos lahat (grabe, sarap pasakan ng medjas ang bibig!). Eto nnman po ako, d nman po masama kung pagsasabihan naten cla, wag lang nman sosobra na halos minu-minuto nlng e tinatalakan mo. Be a man/woman na hahangaan ng iba kc kahit isang salita lang, naiintidihan na cia ng better half nia. Being a nag may cause a major problem in your relationship. Kaya lighten up! Madaling magsalita pero mahirap manaway. Pero pag nasanay na cia ng isang tingin lang alam na nia na galit ka, tapos ang problema nio. Nakukuha ang lahat sa
magandang usapan..


!@_@ :rokon: :bday: :grin: :hug: :lol3: !^_^
Posted Image
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
~*Selphie*~
Member Avatar
"I'm juz uR oRdiNaRy, average, eVrYdAy sAnE pSyCho...&q
medjo nahilo ako s pagbasa /heh

dko matapos hehehe
Posted Image
Posted Image visit my threadie Posted Image pWeNdsTer ym> Li_yingfa010

"I'm no damsel in distress, and i don't need to be rescued. For all you know the prince charming yOu've been dreaming of, couldn't even save himself."
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Toya Ten Nights
Member Avatar
• You'll Be Safe Here... •
^ nahilo ka dun?? try mo rid ung post ko sa cupid's lari ung lovin is such a pain.. tignan ko kng matiyaga mo tapusin.. /gg
oversized signature removed.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Batousai
Giant Whisper
weee.. ang haba nyan ahh..
***batousai***...... 99/6* AssassinCrossPosted Image
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
~*Selphie*~
Member Avatar
"I'm juz uR oRdiNaRy, average, eVrYdAy sAnE pSyCho...&q
Toya Ten Nights
Nov 13 2005, 07:25 PM
^ nahilo ka dun?? try mo rid ung post ko sa cupid's lari ung lovin is such a pain.. tignan ko kng matiyaga mo tapusin.. /gg

nabasa ko n po un... /swt

pero bkt un 5 mins or so ko lng bnasa... cguro yaw ko lng tlga alamin ung bad effects...ung gud lng bnasa ko heheheh
Posted Image
Posted Image visit my threadie Posted Image pWeNdsTer ym> Li_yingfa010

"I'm no damsel in distress, and i don't need to be rescued. For all you know the prince charming yOu've been dreaming of, couldn't even save himself."
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
-mainman-
Member Avatar
Shaider ni Annie
Manyak of the Year
amf naguluhan ako dun ah..

b2 di mo sinama ung maiiyak k nlng bigla un pala iniisip mo xia.. /heh

Posted Image
if angels were in heaven.. how come you're down here with me..?
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
chelayganda
Member Avatar
Baby Desert Wolf
loko k tlaga b1.. ngyun lng me ulit nka OL..

kinda busy sa skul and others.. every sunday na lng me nkatutok d2.. /gg
Posted Image
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
1 user reading this topic (1 Guest and 0 Anonymous)
ZetaBoards - Free Forum Hosting
Fully Featured & Customizable Free Forums
« Previous Topic · Cupid's Lair · Next Topic »
Add Reply