Welcome Guest [Log In] [Register]
Welcome to PRO Loki Boards. We hope you enjoy your visit.


You're currently viewing our forum as a guest. This means you are limited to certain areas of the board and there are some features you can't use. If you join our community, you'll be able to access member-only sections, and use many member-only features such as customizing your profile, sending personal messages, and voting in polls. Registration is simple, fast, and completely free.


Join our community!


If you're already a member please log in to your account to access all of our features:

Username:   Password:
Add Reply
Lovin is such a pain...; Kelan ka ba matututo??
Topic Started: Nov 11 2005, 07:42 PM (1,497 Views)
Toya Ten Nights
Member Avatar
• You'll Be Safe Here... •
its a sad story... kinda long though...
read it and u might learn something...

Isa-isa kong binuklat ang mga albums sa lumang
bahay. Nakakaaliw rin palang balikan ang
nakaraan. Bakit nga ba hindi ko ito isinama sa
bagahe ko noon? Yan tuloy, di ako nakapag-
“reminisce” ng nakaraan ko sa loob ng halos
sampung taon. Naku, madami-dami ka rin palang
litrato dito. Simula ba naman pagkapanganak sa
akin e, nandun ka na sa tabi ko. Dalawang taon
ang tanda mo sa akin kaya itinuring kitang isang
kababata, kaibigan at kapatid noon. Pero nagbago
ang lahat nang mangimbang bansa kami noong anim
na taon pa lang ako.
Ang sayang isipin na kahit mga bata pa lang tao
noon ay nagsusulatan na tayo. Naaalala ko pa
noon, “bunso” ang tawag mo sa akin at “kuya” ang
tawag ko sa yo. Sabi ng Mommy, ulila lang daw
tayo pareho sa kapatid. Pareho kasi tayong nag-
iisang anak. Siyempre, dumating yung araw na
pakonti na ng pakonti ang sagutan natin sa mga
sulat. Hanggang sa hindi na tayo nagsusulatan.
Tinamad na rin ako noon dahil madami naman akong
naging kaibigan sa Tate. Nagulat na lang ako
isang araw ng tumawag ka sa bahay. Ibang-iba na
ang boses mo kaya malamang marami na ring nagbago
sa yo. Labing-apat na taon ka noon at tumawag ka
para ibalitang may girlfriend ka na. Sabi mo,
gusto mo ako yung unang makaalam kasi ako ang nag-
iisang bunso mo. Tuwang-tuwa ako noon para sa yo
pero mas natuwa ako dahil naaalala mo pa rin pala
ako. Lumipas ang ilan pang taon hanggang sa
pagdiriwang ko ng ika-labingwalo kong kaarawan.
Nagpasya si Mommy na dito na lang ako sa
Pilipinas mag-celebrate at dito na rin daw ako
mag-aral ng kolehiyo. Ang saya-saya ko noon dahil
makikita na ulit kita. Pakiramdam ko pa’y
nagtatalon ka nung ibinalita ko yon sa yo. Sinabi
mo pa na ikaw ang escort ko sa gabing yon.
Pumayag naman ako.

Nagkita muli tayo sa gabi na ng kaarawan ko.
Kahit dalawang linggo na ko noon sa bansa, sabi
mo susurpresahin mo ako sa kaarawan ko kaya hindi
ka nagpapakita sa akin. Ibang-iba ka na talaga.
Halos hindi nga kita nakilala e. binatang-binata
ka na at lalo kang gumuwapo sa kislap ng mga mata
mo. Nagulat ka rin noong makita mo ako. Hindi ko
pa nga nakakalimutan yung sinabi mo sa akin
noon, “Dapat pala bantayan na kita. Masyado kang
nagpaganda doon sa Tate ha! Baka mamaya lokohin
ka dito ng kung sino diyan.” Napangiti lang ako.
At simula noon, naging “close” uli tayo.

Pinilit kong makapasok sa unibersidad kung saan
ka nag-aaral. Gusto ko kasing lagi kitang
makasama dahil natatakot pa akong makiharap sa
mga tao dito. Para akong paranoid na ayaw
malalapitan ng kahit sino kundi ikaw lang. Iniwan
ako ng aking mga magulang dahil marami silang
kailangang asikasuhing negosyo doon. Pero ayokong
manirahan sa bahay namin na maid lang ang kasama.
Kaya napagkasunduan ng Mommy ko at Mommy mo na sa
inyo na muna ako tumira hanggang sa pagpasyahan
kong tumira sa bahay namin. Sabi mo pa, mas
magiging masaya yun dahil parang magiging ganap
mo na akong kapatid. Natuwa rin ako dahil mas
komportable akong nandiyan ka lang lagi sa tabi
ko.

Lalo lang tayong nagkalapitan ng loob. Ayokong
bigyang malisya pero minsan, gusto kong isipin na
ang paghahawak natin ng kamay, pag-akbay mo sa
akin at pagyakap mo sa akin ay hindi lang turing
kaibigan o turing kapatid lamang. Madalas pa nga
noon idadahilan kong nagtitipid ako ng allowance
kaya hindi ako makapagpa-gas. Kaya ayun, ihahatid
mo ako at hihintayin sa hapon. Kahit na may
girlfriend ka pa noon, ako pa rin ang priority
mo. Nakakatuwa di ba? Sabi mo kasi, “bunso” mo
ako.

Hindi ko na namalayan noon pero unti-unti ng
nahulog ang loob ko sa yo. Tinatanong pa ba yun?
E ganun naman lagi ang ending. Siyempre, hindi ko
naman alam ang nararamdaman mo para sa akin.
Babae ako. At kahit may pagkaliberal na ang pag-
iisip ng mga tao noon, wala pa rin akong guts to
make the first move. Naging kuntento na lang ako
sa piling mo habang tinuturing mo akong isang
kapatid. Minsan nagseselos ako kapag may
girlfriend ka pero wala naman akong magagawa, di
ba?

Noong graduating ka na, junior naman ako. Lumipat
ka kasi ng school kaya nahuli ka ng isang taon.
Madalas e sa bahay na ako natutulog noon.
Siyempre, matagal na rin akong nakapag-“adjust”
dito kaya nahihiya na rin ako sa Mommy mo. Pero
hindi ko noon makakalimutan nung kumatok ka sa
bahay namin ng madaling araw na. Nag-aaral pa ako
noon kaya gising na gising pa ako. Hindi ka naman
lasing o kahit amoy alak ay hindi rin. Ang bango
mo pa nga at nakapantulog ka na. Sabi mo,
tutulungan mo akong mag-aral dahil alam mong
nahihirapan ako sa subject na yon. Na-“touch” ako
sa yo nung gabing yon. Nag-aalala ka pa nga dahil
malapit ng mag-alas kuwatro ng umaga pero sabi ko
naman ay hapon pa ang pasok ko kaya ayos lang na
magdamag akong gising. Nung mapansin mo na
inaantok na ako, binuhat mo ako papunta sa
kuwarto ko. Nagulat ako pagkagising ko dahil doon
ka na pala natulog sa sofa sa loob ng kuwarto ko.
Pagkabangon ko sa kama, kinumutan kita at ginawan
pa kita ng almusal sa baba. Nagpasalamat ka at
hinalikan mo ako sa noo sabay yakap sa kin.
Pakiramdam ko noon matutunaw na ako sa
pagkakatayo ko. Ang sarap kasi ng pakiramdam.

Simula noon, paminsan-minsan ay sa bahay ka na
natutulog. Lalo na kapag madaling araw ka na
nakakauwi. Ayos lang naman sa akin yun na kahit
may dalawa pang bakanteng kuwarto e doon ka pa
nakikitulog sa sofa sa kuwarto ko. Siyempre, mas
masayang matulog habang pinagmamasdan kita. Para
na akong nasa langit noon. Ang babaw ko pero
totoo.

Pagka-graduate mo, hindi ka pa rin nagbabago. Di
mo pa rin nakakalimutang dumalaw sa akin at lagi
ka pang may dala-dalang pasalubong. Lagi akong
inaasar noon ng mga kabarkada ko. Nagtampo pa nga
sila minsan dahil akala nila may boyfriend na ko
at ikaw ang tinutukoy nila. Ang “sweet” daw kasi
natin kapag magkasama tayo. “PDA” pa nga daw kung
minsan e. Sa totoo lang, I’ve been keeping myself
constantly available for you. Lahat na ng suitors
ko e binasted ko dahil gusto ko, kapag nanligaw
ka sa kin e libreng-libre ako. Pero sa tinagal-
tagal, hindi mo naman ako nililigawan. Kaya
nagtatampo ako sa yo pero wala naman akong
magagawa e.

Nagulat ako isang araw ng makita ko sina Mommy at
Daddy sa bahay. Oo nga, bumibisita sila tuwing
Christmas, tuwing summer vacation at tuwing
birthday ko pero wala namang okasyon non kundi
ang papalapit kong graduation. Ang sabi kasi
nila, hindi sila makakauwi para sa graduation ko
pero nakakatuwang isiping naroon sila tatlong
araw bago ang pagtatapos ko. Parehong maaliwalas
ang mga mukha nila dahil may dala daw silang
magandang balita para sa akin. Pero naiyak ako
pagkasabi nila sa balita. Nagdahilan na lang
akong “tears of joy” ang mga luhang tumulo mula
sa mga mata ko. Sabi kasi nila, may sigurado na
akong mapapasukang kumpanya sa tate. Malaki
kaagad ang starting salary ko pero hindi ko gusto
ang ideyang yon. Malalayo kasi ulit ako sa yo.

Kinabukasan, halos buong araw akong naghihintay
sa bahay niyo. Hindi ka daw kasi umuwi nung
gabing yon. Nag-aalala na nga ang Mommy mo pati
na rin ako, pinag-alala mo. Nakatulog ako noon sa
sa salas niyo at nang nagising ako ng madaling
araw ay may kumot na ako at nakita kitang
natutulog sa lapag, may hawak-hawak pang bote ng
beer. Dali-dali kitang ginising noon at kumuha pa
nga ako ng palanggana na may maligamgam na tubig
at pamunas para punasan ka.

Tinabig mo ang palanggana at niyakap mo ako.
Sinabi mong galit ka sa akin kaya naglasing ka
lang buong araw. Sinabi mong hindi mo alam ang
gagawin mo kapag nawala pa ako sa piling mo.
Sinabi mo rin na nawala ka sa wisyo nung oras na
pagkasabi ng Mommy na aalis ako pagka-graduate
ko. Sinabi mo rin na mahal mo na kasi ako.
Umiiyak ka pa nga habang sinasabi mo ang mga
iyon. Hindi ko noon alam kung ano ang gagawin ko.
Naramdaman ko nang nakatulog ka na sa balikat ko
pero nanatili akong gising.

Gusto kong sabihin sa yo na mahal din kita pero
naduwag ako. Buong buhay ko kasi, lagi lang
nakasunod sa kagustuhan ng aking mga magulang.
Nasanay siguro ako ng hindi nagdedesisyon para sa
sarili ko. Nasanay ako na iasa sa iba ang
karapatan kong magdesisyon para sa kagustuhan ko.
Siguro nga, kahit malapit na akong mag-22 years
old noon, hindi pa rin ako gaanong ka-mature para
panindigan ang mga desisyon ko. Habang nakatulala
ako sa kawalan at habang natutulog ka sa balikat
ko, iniisip ko kung paano ko sasabihin sa mga
magulang ko na hindi ako tutuloy. Na kaya kong
magtagumpay dito sa Pilipinas. Na hindi ko
gugustuhin pang umalis dahil alam kong magiging
masaya na ako sa piling mo. Ang hindi ko
maintindihan e kung bakit bigla akong tumayo at
tumakbo pauwi sa amin. At sa kuwarto ko, nag-
iiyak, nagbasag ng ilang mga bagay, nagtatapon ng
mga libro at sinira ang mga tinago kong sulat mo.
Siguro natakot lang ako. Siguro duwag lang talaga
ako.

Mula nung hapong iyon ay hindi na ulit kita
nakita. Pinilit kong iwasan ang pagdaan sa harap
ng bahay ninyo para hindi rin kita maalala.
Kailangan ko kasing ngumiti sa araw ng pagtatapos
ko. Sa totoo lang, para akong windang na
nakatunganga sa mga speakers at honor students
habang inaalala ko pa rin ang mga sinabi mo.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko
kinabukasan. Nakaimpake na lahat ng gamit ko.
Ayos na lahat ng papeles ko. Pagkatapos ng
maikling salu-salo mamayang gabi, matutulog na
lang ako at gigising kinabukasan at maghahanda
para sa flight ko. O, di ba, planado na lahat.
Pero masaya ba ako?

Napakalaking pagkakamali ng nagawa kong pag-alis
noon. Kahit na pinupuri nila akong lahat dahil sa
tagumpay ko, umiiyak naman ako dahil hindi lubos
ang kaligayahan na nadarama ko. Sampung taon kong
tiniis na huwag umuwi ng Pilipinas. Lagi ko na
lang sinasabi kina Mommy na marami akong ginagawa
o di kaya’y wala akong panahon para sa bakasyon.
Sampung taon din akong gumigising araw-araw ng
luhaan o di kaya’y nakasimangot pagharap sa
salamin. Sampung taon akong nagdusa dahil sa
pagmamahal ko sa yo. Sampung taon akong umasang
isang araw ay masasabi ko sa yo na mahal din
kita. Pero sampung taon mo pala akong pinilit
kalimutan. Sampung taon kang naghinanakit dahil
akala mo iniwan kita. Akala mo... hindi kita
mahal.

Kaya lang ako ngayon napauwi ng bansa dahil sa
sulat mo. Unang sulat mo ito sa sampung taong
pagtira ko sa ibang bansa. Pero hindi lang basta
sulat ito, imbitasyon sa kasal mo.

Ngayon, basang-basa na ang mga litrato sa lumang
photo album dito sa lumang bahay. Napaiyak kasi
ako sa mga ala-alang ibinalik ng mga litratong
ito. Ngayon ko lang naiiyak yung sakit na nadama
ko nung natanggap ko ang imbitasyon mo. Hindi ko
nga alam kung dapat ba akong magpakita sa kasal
mo. Hindi ko alam kung bakit pa ako umuwi ng
bansa. Sana pala nanatili na lang ako doon. At
least, kung nandoon ako, hindi mo makikita ang
mga luhang ito. Hindi mo malalamang minsan, at
magpahanggang ngayon e minamahal kita. Hindi mo
na nga siguro dapat malaman pa. Mananatili na
lang akong nakababatang kapatid mo. Tutal, yun
naman ang nakalagay sa sulat mo di ba? “To my
Bunso”... habang buhay na lang akong “Bunso” mo.



###############
"Bunso" attended the wedding to congratulate
her "Kuya". He drove her to the airport the next
day and before she went out of the car, she told
him she still loves him. A tear fell from his eye
as he told her "The only reason why I married my
bride is because she was your closest
resemblance." --a true story of my Aunt (an old
maid) and her "Kuya" (who passed away last month)
oversized signature removed.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
`oz
Member Avatar
Greatest General
punyeta ang haba nmn nyn /omg

ilang dekada ko p mttpos yan eh /omg









pero bbsshn q nga mmya /gg
-+[oZ]+- 99/69 high wizard
``justice 70/10 vend bs




Quit..
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Toya Ten Nights
Member Avatar
• You'll Be Safe Here... •
maganda yan zo pwmis basahin mo.. baka maiyak ka.. /gg
oversized signature removed.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
`oz
Member Avatar
Greatest General
uu nga 1st sentence plng naiiyak nko !T_T mhina p nmn aq s mga gn2 /sob
-+[oZ]+- 99/69 high wizard
``justice 70/10 vend bs




Quit..
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Toya Ten Nights
Member Avatar
• You'll Be Safe Here... •
^drammatic anint he?? :lol2:
oversized signature removed.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
`oz
Member Avatar
Greatest General
uu nga eh /sob teka tpusin ko mna../heh
-+[oZ]+- 99/69 high wizard
``justice 70/10 vend bs




Quit..
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Toya Ten Nights
Member Avatar
• You'll Be Safe Here... •
cge zo basahin mo mna.. kain lng me.. total 10yrs ka pa magbabasa nyan eh.. /gg
oversized signature removed.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
`oz
Member Avatar
Greatest General
langya kla ko ikaw ung bunso dun s story /omg




pero astiggggg /no1 prang movie.. :) nkk..emote /sob





pero kaw asl mo?../ho

/heh
-+[oZ]+- 99/69 high wizard
``justice 70/10 vend bs




Quit..
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Toya Ten Nights
Member Avatar
• You'll Be Safe Here... •
^ mangangarir nnmn?? d pa nadala kay charisse kagabi??/gg wel anyweiz 17 m mand.
oversized signature removed.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
`oz
Member Avatar
Greatest General
nyahahaha ate k n pla un /heh


nwei mgkcng age tyo /ho /heh





shet bglng kmdlat /omg
-+[oZ]+- 99/69 high wizard
``justice 70/10 vend bs




Quit..
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Toya Ten Nights
Member Avatar
• You'll Be Safe Here... •
nagagalit na c Lord sau... /gg hahahahaha
oversized signature removed.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
`oz
Member Avatar
Greatest General
ahahah wag dw kc aq sinungaling eh /omg


ano guild mo ngyn?.. :) character?.. /ho
-+[oZ]+- 99/69 high wizard
``justice 70/10 vend bs




Quit..
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Toya Ten Nights
Member Avatar
• You'll Be Safe Here... •
ako High priest charcter ko.. guildless ako ngayon.. dating Heretics INC., Retribution, Domination... <-- lahat yan nadaanan ko na.. lahat ng friends ko nga pla kaguild mo.. kay BB cla..
oversized signature removed.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
`oz
Member Avatar
Greatest General
aun pla eh lpat kna smn /gg

sarap d2 /gg
-+[oZ]+- 99/69 high wizard
``justice 70/10 vend bs




Quit..
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
Toya Ten Nights
Member Avatar
• You'll Be Safe Here... •
e1 ko lng.. tagal ko na rin binalak yan eh.. kaso ala lng.. bka magdeath nmn ako para maiba... hehehe
oversized signature removed.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
1 user reading this topic (1 Guest and 0 Anonymous)
ZetaBoards - Free Forum Hosting
Create a free forum in seconds.
Go to Next Page
« Previous Topic · Cupid's Lair · Next Topic »
Add Reply